BOMBO DAGUPAN – Shock pa rin ang ilang Filipino community sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.
Ayon kay Lloyd Balatongan, Bombo International News Correspondent sa United Kingdom, hindi makakaila na maraming Pinoy ang nalungkot lalo na ang mga nagkaroon ng pagkakataon na nakadaupang palad ang Reyna noong siya ay nabubuhay.
Kinikilala ng komunidad ang naging buhay at nagawa ni Queen Elizabeth sa healthcare sector.
Nagbigay na rin aniya ng tribute ang mga pilipino doon at ibat ibang community center.
Sinuspindi rin ang ibang events sa larangan ng Sports arts and music bilang pagpapakita ng simpatya, dalamhati at pagbibigay respeto sa Reyna.
Sa 13 taon niyang paninirahan sa UK, itinuturing niya si Queen Elizabeth II na isa sa most famous person sa buong mundo.
Inilarawan niya niya na mabait ang Royal Family at mistulang ordinaryo tao lang sila gaya ng iba kung sila ay makitungo sa publiko.










