-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga kanseladong flight dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga pinigil na byahe ang Manila-Caticlan-Manila at Manila-Antique-Manila.

Partikular na nagkansela ng flights ang Pal Express.

Payo ng MIAA sa mga apektadong pasahero, makipag-ugnayan muna sa airline company bago magtungo sa paliparan.

Maaari ring mag-reschedule o mag-refund ng nabayarang trip tickets sa mga otorisadong booking office ng nasabing airline company.