-- Advertisements --
download 1

Nagpaabot ng pagbati sa Pilipinas ang ilang diplomats kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.

Sa isang mensahe, sinabi ni Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa na nakikiisa ito sa pagdiriwang ng makasaysayang araw na ito.

Sinabi din nito na bilang mga bansang may magkapareho ng pag-iisip, ipagpapatuloy ng Pilipinas at Japan na itaguyod ang kapayapaan at demokrasya, mga katangian aniya na kumakatawan araw na ito.

Inihayag din nito na nawa’y umusbong pa ang pagkakaisa ng para sa panghabambuhay na kapayapaan at kasaganaan.

Nagpaabot din ng pagbati si Chinese Ambassador Huang Xilian sa Pilipinas at sa mamamayang Pilipino sa pagdiriwang ng proklamasyon ng kasarinlan ng bansa.

Sa isang video message naman mula kay US Ambassador MaryKay Carlson, binati din nito ng Pilipinas na tinawag niyang kaibigan, partners at kaalyado ng Amerika.