Nagdaos ng flagship cyber courses para sa mga kababaihan ngayong women’s month ang Cybercrime Investigating and Coordinating Center (CICC).
Dito ay pormal na nakikipagtulungan ang CICC sa National Council of Women of the Philippines (NCWP) para sa mas epektibong programa.
Para sa Cybercrime Investigating and Coordinating Center, layunin ng naturang programa na palakasin at himukin ang mga kababaihan sa bansa na nais pang matutunan at madagdagan ang kanilang kaalaman sa larangan ng information technology (IT) at cybersecurity.
Ito rin umano ang magiging unang batch para sa mga kanilang sasanayin sa industriyang lalaki lamang ang kalimitang gumagawa.
Samantala, inaasahan naman na marami ang lalahok na mga kababaihan sa naturang programa at alok na training kasunog ng pagtitiyak na mabigyan ng pagkilala ang mga babae ngayong International Women’s Day.
Plano rin nilang mas palawakin pa ito sa susunod na mga taon.