-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Davao Oriental nitong umaga, ayon sa Phivolcs.
Ang sentro ng lindol ay natukoy sa layong siyam na kilometro sa silangang bahagi ng Baganga, Davao Oriental.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Bislig City, Surigao del Sur.
Wala namang naitalang pinsala sa naganap na pagyanig, na nangyari kaninang alas-8:33 ng umaga sa lalim na 33 kilometers.










