-- Advertisements --

Ilang mga ambassadors ang nakipagkita kay presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., dalawang linggo matapos ang halalan.

Kabilang sa bumati ng personal kay Marcos doon sa kanyang campaign headquarters sa Mandaluyong City ay sina Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa, South Korean Ambassador Kim Inchul, Indian Ambassador Shambhu Kumaran at United States Chargé d’Affaires Heather Variava.

Samantala, kinumpirma din naman ni Marcos na ilang mga world leaders na rin ang kanyang nakausap.
Sa kanyang pakikipagpulong naman sa ambassador ng South Korea to the Philippines, hiningi ni Marcos ang tulong nito para sa IT sector sa Pilipanas.

Gayundin ay napag-usapan nila ang isyu ukol sa Bataan nuclear power plant.

Samantala, kinumpirma din naman ni Marcos na hiniling niya kay Cavite Cong. Crispin Remulla na maging kanyang justice secretary.

Tamang-tama daw ang ang naturang pwesto dahil magaling naman itong abogado.

Sa kabilang dako, inalok din daw niya ang ekonomista at professor na si Arsenio Balisacan bilang sunod na NEDA chief.