-- Advertisements --

Isasagawa ng ilang ahensiya ng gobyerno ang pagbibigay pugay sa namayapang Department of Migran Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople.

Pangungunahan ng DMW kasama ang Overseas Workers Welfare Administration and the Department of Labor and Employment ang tinatawag na “night of Tributes” at necrological service para kay Ople.

Kasalukuyang nakaburol kasi ang kalihim sa Heritage Memorial Park sa lungosd ng Taguig.

Binuksan sa publiko ang burol nitong Miyerkules ng gabi at mananatili ito doon ng hanggang Agosto 29.

Ilang mga opisyal na rin ng gobyero ang dumalaw sa burol na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang 61-anyos na kalihim ay pumanaw nitong Martes kung saan noon pa ay sinabi nito na nakikipaglaban siya sa breast cancer.