Pag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang adjustments sa pagppatupad ng numbe coding scheme ng mga sasakyan kasabay ng planong pagbabalik ng full face to face classes sa bansa sa Nobiyembre.
Ayon kay Director Baltazar Melgar magsasagawa sila ng pagpupulong kasama ang Metro Manila Council na binubuo ng 17 alklade ng rehiyon para talakayin ang naturang usapin kung sakaling tumaas pa ang dami ng mga sasakyan sa mga kalsada kasabay ng balik-eskwela.
Sa ngayon kasi ay ipinapatupad ang number coding scheme sa Metro Manila tuwing rush hour.
Ayon sa MMDA official, ilang mga paaralan na rin ang nakikipaugnayan sa kanialng ahensiya para sa pedestrian marking at misting ng campuses bilang paghahanda sa pagbubukas ng mga klase.\
Kung kayat, ngayon pa lamang sinimulan na ang MMDA ang paglilinis sa mga kalsada at pagdedeploy ng traffic enforcers para maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa capital region.
Ayon pa sa opisyal, nakumpleto na rin ngayong taon ang mga flood control projects ng ahensiya na tinukoy ng Commission on Audit na naantala noong 2021.