-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga COVID-19 patients ang binawian ng buhay sa Bicol region.

Ayon sa impormasyon mula sa Department of Health Center for Health Development – Bicol, binawian ng buhay si Bicol patient #28 nito lamang na hapon.

Ang naturang pasyente ay isang 78-anyos na lalaki mula sa bayan ng Guinobatan, Albay na nagpositibo sa sakit noong Abril 21 sa kasalukuyang taon at na-admit sa Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) noong April 18, 2020.

Si Bicol #28 ang itinuturing na pinakamatandang COVID-19 patient sa rehiyon.

Samantala sa kasalukuyan ay mayroon nang 34 na kaso ng nakakahawang sakit sa rehiyon habang 20 naman ang naka recover.