-- Advertisements --

DAVAO CITY – Dalawang taon matapos mangyari ang pagkasunog ng NCCC mall sa Maa nitong lungsod, hindi pa rin malilimutan ng mga kamag-anak ng mga biktima ang sinapit ng mga ito.

Nasa 38 katao kung saan karamihan sa mga ito ay mga call center agents ang namatay sa nasabing trahedya matapos ma-trap sa nasusunog na mall noong Disyembre 23, 2017.

Kung maalala, alas nuebe ng umaga ng mangyari ang sunog ngunit huli na ng malaman na may na-trap na mga call center agents ng Survey Sampling International (SSI) sa gusali partikular na fourth floor ng mall.

Hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang kalungkutan ng mga kamag-anak ng mga biktima at pinaninindigan na may pananagutan sa insidente ang pamunuan ng mall at SSI dahil gumagana ang mga pasilidad ng mangyari ang trahedya.

Nagsasagawa naman ng misa sa San Pedro Cathedral nitong lungsod bilang pag-aalala sa mga biktima.