Nakikipag-ugnayan na sa ngayon ang Philippine Embassy sa United Arab Emirates sa UEA health authorities sa kaso ng isang Pilipina na kabilang sa ilang foreigners na diagnosed ng novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Sinabi ng DFA na base sa report mula sa Ministry of Health and Prevention (Mohap) ng UAE, ang naturang Pilipina ay kasalukuyang inoobserbahan at binibigyan ng medical assistance alinsunod na rin sa standards na ipinapatupad sa UAE.
Kahapon, inanunsyo ng Mohap na isang Pilipino at Chinese national ang kabilang sa bagong kaso ng nCoV sa kanilang bansa.
Ang naturang Pilipino sa UAE ay ikalaw sa nagpositibo sa nCoV, sunod sa Filipino crew member sa isang cruise ship na dumaong kamakailan sa Yokohama, Japan.
Samantala, pinaalalahanan naman ng DFA ang lahat ng mga Pilipino sa UAE na sundin ang wastong hygiene protocols ng Mohap at World Health Organization.










