-- Advertisements --

Nakuha na ng mga rescuer ang ika-anim na survivor sa gumuhong gusali sa central China.

Ito ang iniulat ng state media sa dalawang araw na nilang pagsasagawa ng search-and-rescue operation para mahanap ang marami pang nawawala.

Noong Biyernes nang bumigay ang gusali sa Changsha City, Hunan province.

Nasa loob ng naturang gusali ang hotel, apartments at cinema.

Kahapon nang sabihin ng mga city officials na limang survivors ang nakuha sa gusali habang 18 pa ang naipit.

Nasa 39 naman ang hindi na ma-contact matapos ang insidente.

Matapos naman ang 50 oras ng rescue efforts, isang babae at anim na survivor ang nailigtas.