Muling napahiya ang Golden State Warriors sa sarili nitong court matapos maitala ang ikalimang pagkatalo sa kamay ng mga bagitong Thunders, 128 – 109.
Hindi pa rin nakapaglaro ang superstar ng GS na si Stephen Curry habang ito naman ang unang game kung saan isisilbi ni Draymond Green ang kanyang 5-game suspension.
Dahil dito, nagkaroon ng pagbabago sa starting lineup ng Warriors at ipinalit sina Jonathan Kuminga bilang Forward, Dario Saric bilang Sentro at Chris Paul bilang Point Guard.
Hindi naman umubra ang bagong lineup matapos silang pahiyain ng Thunder sa pamamagitan ng 24pts 7asts performance ni Shai Gilgeous-Alexander at 23 points ng bench na si Isiah Joe.
Nag-ambag din ng 19 points ang bagitong si Josh Giddey, kasama ang anim na rebounds.
Sa Warriors, tanging si Jonathan Kuminga ang nagtala ng mahigit 21 points habang nalimitahan lamang sa 5 points ang starting guard na si Klay Thompson.
Pitong players din ng Warriors ang nagtala ng double-digit scores sa pangunguna ni Kevon Loone na nagpasok ng 13 points at 11 rebound na double double, ngunit hindi pa rin naging sapat
Dahil sa pagkatalo, sumadsad na ang Golden State sa 6 – 7 habang 8 – 4 naman ang kartadang hawak ng Oklahoma City Thunder.