-- Advertisements --
Nasa 20 nang petisyon ang naihain sa Supreme Court (SC) na kumukuwestiyon sa ligalidad ng Anti Terror Law.
Ang ika-20 na petisyon ay inihain ng mga kabataang estudyante mula sa Cebu City.
Nagsilbing kinatawan ng grupo ang Free Legal Assistance Group (FLAG)-Cebu chapter.
Hiniling din ng naturang grupo na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) para pigilan ang pagpapatupad sa naturang batas na epektibo na noong Hulyo 18, 2020.
Samantala, sa isinagawang en banc session ngayong araw, ipinag-utos na raw ng kataas-taasang hukuman ang pag-consolidate sa 19 na petisyon na inihain ng iba’t ibang grupo.
Una nang ipinag-utos ng SC na i-consolidate ang anim na naunang petisyon.