-- Advertisements --
Naibulsa ngayon ng triathlete na si Kim Mangrobang ang kanyang ikalawang gold medal sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.
Nangunga ang 30-year-old triathlete sa women’s individual duathlon event sa Sunset Bay sa Tuan Chau, Vietnam.
Ang pagbulsa ni Mangrobang sa isa pang gold medal ay kasunod na rin ng panalo sa triathlon competition kasama ang kapwa Pinoy na si Raven Alcoseba na pumangatlo sa race.
Kung maalala, noong 2019 SEA Games ay mayroon ding dalawang gold medal si Mangrobang at dinomina ang individual triathlon at mixed relay.
Ito na ang ika-14 na gold medal ng Pilipinas sa nagpapatuloy na palaro.