-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Ginulantang ng pagsabog ng bomba ang lalawigan ng Maguindanao.
Ayon sa ulat ng pulisya sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) malapit sa simbahang katoliko sa Brgy Poblacion Datu Piang Maguindanao.
Wala namang naiulat na sugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga residente.
Grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinurong suspek sa pambobomba.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa bayan ng Datu Piang habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.










