Iginiit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang nakaplanong database para sa mga pamilyang naninirahan sa lansangan ay makakatulong sa paglaban sa pagsasamantala sa vulnerable sector.
Binigyang diin ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na “information is power” sa paggawa ng mga interbensyon upang maprotektahan ang mga naninirahan sa lansangan.
Aniya, alam niya na ang lansangan ay hindi angkop na lugar para sa isang pamilya, lalo na sa kababaihan at kabataan na maaaring ma-expose sa exploitation.
Matatandaan na kamakailan ay inilunsad ng ahensya ang programang “Oplan Pag-abot” para sa mga indibidwal at pamilyang naninirahan sa mga lansangan ng Metro Manila.
Sa pamamagitan ng programa, bibigyan ang mga street dweller ng identification card (IDs) at sasailalim sa biometric registration para mas ma-monitor sila ng Department of Social Welfare and Development.