-- Advertisements --
Nakatakdang ianunsyo ng International Court of Justice sa Biyernes kung maglalabas sila ng emergency measures laban sa Israel matapos maghain ng kasong genocide ang South Africa.
Sa isang pahayag, sinabi ng korte ng United Nations na iaanunsyo nila ang magiging desisyon ng 17 mahistrado sa hiling ng South Africa na itigil na ang ginagawang aksyon ng Israel.
Una na rito ay hiniling din ng South Africa sa World Court na mag-utos ng emergency suspension sa madugong military campaign ng Israel laban sa Palestine.
Ayon sa South Africa, ito ay labis na kailangan upang maprotektahan ang karapatan ng mga Palestine na nakasaad sa Genocide Convention. Pinaratangan din ng nabanggit na bansa ang Israel na patuloy nila itong sinusuway.