Bumuo ang ibat ibang mga civic group at non government organization ng isang pangunahing alyansa na nagnanais tumulong sa Pilipinong dumaranas ng blood cancer.
Ang naturang grupo ay tinawag na Blood Cancer Alliance of the Philippines.
Ang bagong grupo ay binubuo ng siyam na malalaking research, academic, at civic organization na nakabase sa bansa.
Target ng naturang grupo na mai-angat ang kamalayan ng mga Pinoy ukol sa blood cancer na anila’y isa sa mga pangunahing uri ng cancer na kumikitil sa buhay ng mga Pilipino.
Batay sa datus ng bansa, mayroong 12,000 cases ng blood cancer ang natutukoy sa kada taon.
Nangangahulugan ito na 33 Filipinos ang natutukoy na may blood cancer bawat araw.
Pangunahin dito ay ang Leukemia at Lymphoma, na siyang pinaka-karaniwang uri ng blood cancer na umatake sa mga Pilipino.