-- Advertisements --
image 192

Nagsagawa ng iba’t-ibang uri ng sea phase exercises ang mga miyembro ng association of southeast asian nations navies malapit sa katubigang sakop ng grande island, zambales at lubang island, bataan.

Ito ay sa gitna nang ikinasang 2nd asean multilateral naval exercises 2023 na ginanap mula noong mayo 13 hanggang mayo 14 ng taong kasalukuyan na layuning magbigay-daan sa mga asean navies na tumugon sa iba’t-ibang banta at common regional maritime threats.

Ang naturang dalawang araw na aktibidad ay binuo ng mga pagsasanay at maneuvers kabilang na ang pagsasagawa ng photo exercise, maritime search and rescue, publication exercise, flash exercise, deck landing qualification, night steaming in company, intelligence surveillance reconnaissance, at maritime interdiction operation na mayroong visit board search and seizure.

Layuning nito na mas pahusayin pa ang interoperability, maritime responsiveness, synchronization, at communication ng mga lumahok na hukbong pandagat kasabay ng pagbuo ng mga ito ng mutual trust and understanding para naman sa pagsasagawa ng mga maritime operations at humanitarian assistance and disaster response.

Gamit ang brp Antonio Luna (ff151) at brp Andres Bonifacio (ps17) ng Philippine Navy ay pinamunuan nito ang isinagawang multilateral naval exercises kasama ang iba’t-ibang mga bansa at mga barkong pandigma ng mga ito kabilang na ang mga bansang indonesia, thailand, brunei, singapore, malaysia, at vietnam.

Sa isang pahayag ay binigyang diin ng philippine navy na ang ganitong uri nv mga pagsasanay ay nagbibigay-daan din sa plataporma ng kanilang hukbo na magsagawa ng naval diplomacy bilang isa sa mga epektibong kasangkapan nito na isulong ang interes ng pilipinas kasabay ng pagtataguyod sa territorial integrity ng bansa.