-- Advertisements --

Isinasapinal na ng Department Of Health (DoH) ang pagtatakda na rin ng price ceiling sa rapid at antigen testing para sa COVID-19.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, hindi nila maisabay ang pagtatakda ng price range sa rapid at antigen test dahil iba ang proseso rito, kung ihahambing sa gold standard na RT-PCR.

Dagdag pa ni Duque na kinakailangan pa nila ng karagdagang pag-aaral at makakuha ng sapat na impormasyon bago lagyan ang mga ito ng takdang presyo.

Una nang napagpasyahan ng gobyerno na maglagay ng price cap sa mga isinasagawang pagsusuri, bunsod na rin ng magkakaibang presyuhan sa mga ospital at laboratoryo, na kung minsan ay nagagamit para makapagsamantala ang ilang negosyante.