Mismong ang pinuno ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police ang nanghikayat sa mga opisyal nito na magsumite na rin ng kanilang courtesy resignation.
Kasunod pa rin ito ng naging panawagan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. na magbitiw sa puwesto ang lahat ng mga full-pledged colonel at generals ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay Internal Affairs Service Inspector General Alfegar Triambulo, maging siya na hindi kabilang sa mga koronel at heneral ng PNP ay nagbigay na rin ng courtesy resignation bilang tugon sa nasabing apela ng kalihim.
Aniya, ang kanilang hanay daw kasi ang pangunahing ang dapat na nangunguna pagdating sa integridad ng buong kapulisan dahil sila aniya ang humahawal sa kaso ng mga pulis na inirereklamo dahilan kung dapat lamang na mapatunayang wala rin dapat na maging kwestiyon sa kanilang integridad.
Dagdag pa niya, hindi na rin daw bago sa kanilang hanay ang sumailalim sa vetting process dahil talagang dumadaan aniya ang lahat ng tauhan nito dito at sa background checking bago tuluyang makapasok sa PNP-Internal Affairs Service.