-- Advertisements --
Nakatakdang palayain ang iba pang mga bihag sa ikalawang araw ng truce o tigil-putukan sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas.
Ayon sa Israel, pinag-aaralan na ang listahan ng 13 karagdagan pang mga bihag na nakatakdang palayain ng Hamas posible ngayong araw.
Kapalit nito ang inaasahang pagpapalaya sa ilang mga Palestinian na nakakulong sa piitan ng Israel.
Gayundin nakapila na rin ang mga truck na magdadala ng humanitarian aid patungong Gaza na dadaan sa Rafah crossing ngayong ikalawang araw ng tigil putukan.
Nitong Biyernes, halos 200 trucks ang nakapasok sa Gaza na pinakamalaking convoy na painayagang pumasok sa nasabing teritoryo simula ng sumiklab ang giyeran noong Oktubre 7.