-- Advertisements --

Ilang malalaking dam sa Luzon ang nagpakawala ng tubig dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel nito sa mga nakaraang araw.

Ayon sa Pagasa, kabilang sa mga nagpakawala ng tubig ang Angat Dam, La Mesa Dam, Binga Dam, San Roque Dam, Pantabangan Dam at Magat Dam.

Magat dam
Magat Dam

Ang Magat Dam ay una nang nagbukas ng dalawang metro sa isa sa mga gates nito dahil sa mataas na lebel ng tubig.

Nagbabala naman ang Pagasa sa posibleng pagbaha dahil sa pagpapakawala ng tubig matapos tumaas ang mga water levels sa mga dam.

Samantala, sa kabila ng mga pag-ulan, ang Ambuklao Dam, Caliraya Dam at Ipo Dam ay bumaba naman ang water level ngayong araw.