Nagsalita na ang aktres na si Nadine Lustre patungkol sa depresyong pinagdaanan nito sa pagkamatay ng kanyang kapatid noong 2017.

Lungkot ang tanging naramdaman umano ni Nadine matapos malaman ang biglaang pagkawala ng kanyang nakababatang kapatid.

Ayon sa aktres, nagawa niyang sisihin ang kanyang sarili dahil sa nangyari ngunit patuloy pa rin siyang naniniwala na lahat ng bagay ay magkakaroon ng kahulugan sa tamang panahon.

Dagdag pa ni Lustre na naging malaking tulong ang kanyang nobyo na si James Reid upang malampasan ang kanyang pinagdadaanan.

Ngayon, masayang masaya na ang aktres sa lahat ng natatamasa niya sa kanyang career at handa raw itong harapin ang hamon ng kinabukasan.