Real-time na paghahatid ng hustisya para sa mga Pilipino na pinakalayunin ng mga bago at napapanahong programa sa hudikatura sa ilalim ng pamumuno ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo.
Ang real-time na hustisya ay hindi lamang pantay, patas, transparent, accountable, at inclusive ay may kakayahang sumabay sa mga pagbabago sa teknolohiya.
Sinabi ni Gesmundo sa kanyang talumpati sa ika-130 anniversary celebration ng Philippine Bar Association (PBA) sa Makati City.
“In line with our efforts towards a technology-driven Judiciary, we have decided to allow the conduct of all court proceedings through videoconferencing even after the end of the (Covid-19) pandemic,” ani Gesmundo.
Ang “Virtual Hearings and Electronic Testimony Committee” ng Korte Suprema ay pinag-aaralan at binubuo na rin ang mga magiging panuntunan para maging tuluy-tuloy na ang mga pagdinig ng kaso sa pamamagitan ng videoconferencing kahit pa matapos ang pandemya.
Ang videoconferencing ay live, visual connection sa pagitan ng dalawa o higit pang partido para sa face-to-face meeting.
Dahil dito, ang mga Pilipino lalo na ang mga nasa malalayong probinsya ay hindi na mahihirapan pang gumastos sa pamasahe at bumiyahe nang matagal para lang magkaharap-harap at makamit ang kanilang hustisya.
Nakikita ng punong mahistrado na mabakante man ang mga korte ng mga tao ay para na rin ito sa ikabubuti ng lahat upang mas mapabilis at mas mapaghusay pa ang mga legal na serbisyo para sa lahat ng Pilipino.
Maging ang mga kababayang Muslim at pati na rin ang mga tinatawag na “refugee” at “stateless person” ay ilan lamang sa mga grupo na sinisiguro ng Hudikatura na magkaroon ng “access” hindi lang sa mga impormasyon, pati na rin sa mga pinaghusay pang “legal aid initiatives” nito.
Nabanggit ng punong mahistradi na magkakaroon ng “National Summit on Legal Aid” at “National Summit on Clinical Legal Education.”
“The foundations of Shari’ah Justice will be enhanced through an institutional review that will include the Shari’ah legal education system and rules of court,” ani Gesmundo.
Kung kaya’t hiniling ni Gesmundo ang suporta ng PBA, na siyang pinakamatandang voluntary organization ng mga abogado sa bansa mula pa noong 1891.
“I hope that the Court can also count on you to push for both the adoption of these reforms in the judiciary, and the adaptation of your peers in the profession to innovations and technological advances. I urge you to invest in the skills and resources needed to enable the shift that we envision,” dagdag ng punong mahistrado.
Ang mga Associate Justice ng Korte Suprema na sina Ramon Paul L. Hernando, Rodil V. Zalameda, Jhosep Y. Lopez, at Jose Midas P. Marquez ay kasama rin sa pagdalo sa anibersaryo ng PBA.