Natunton na ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ang huling dalawang kapwa pasahero ng unang Pilipino sa bansa na nagpositibo sa UK variant ng coronavirus.
Ayon sa NBI, sa Silang, Cavite nila natunton ang 60-anyos American national kasama ang Pilipinang fiance nito.
Sinabi ni NBI-NCR regional director Cesar Bacani na ang lalaking foreigner ang nakasakay ng unang Pilipino sa bansa na nagpositibo sa UK variant ng coronavirus.
Kaagad naman na nakipag-ugnayan ang NBI sa Department of Health (DOH) Region 4A para i-turnover sa kanila ang dalawa.
Samantala, ang isa pang contact ay natunton naman ng NBI sa Cotabato City.
Kaagad din na dinala ito sa quarantine facility at isinailalim sa RT-PCR test nitong araw.
Enero 22 nang umapela ng tulong ang DOH sa NBI sa paghahanap sa dalawang close contacts.