-- Advertisements --

Masayang ibinalita ng Ingenuity team sa Jet Propulsion Laboratory ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na naging matagumpay ang unang paglipad sa Mars ng Ingenuity Mars Helicopter.

Ito ang kauna-unahang aircraft sa kasaysayan na nagsagawa ng powered, controlled flight sa ibang planeta.

ingenuity

Ayon kay NASA Administrator Steve Jurczyk, ang Ingenuity ay kasama na sa napakahabang storya at tradisyon ng mga proyekto ng NASA kaugnay ng space exploration na sa una ay inakalang imposibleng maabot.

Ang X-15 ay nagsisilbing pathfinder para sa space shuttle. Pareho ang ginawa ng Mars Pathfinder at Sojourner nito para sa tatlong henerasyon ng Mars rovers.

Lumipad ang solar-powered helicopter na ito dakong 3:34 ng umaga, oras sa Mars — ito ang oras na nadetermina ng Ingenuity team na magkakaroon ng optimal energy at flight condition.

Batay sa Altimeter data, umakyat ang Ingenuity hanggang sa prescribed maximum altitude nito na 10 feet (3 meters) at napanatili ang stable hover sa loob ng 30 segundo.

Sa muling pagbaba nito sa surface ng Mars, nakapagtala ang grupo ng kabuuang 39.1 seconds ng paglipad.