-- Advertisements --

Pagpupulungan pa ng House prosecution panel ang kanilang magiging hakbang matapos magdesisyon ang mayorya ng Senate impeachment court na ibalik sa Kamara ang articles of impeachment.

Ayon kay Batangas Rep. Gerville Luistro anoman ang kanilang magiging tugon ay magiging desisyon ng buong prosecution panel.

Ayon kay Luistro magpupulong muna sila para pag usapan ang kanilang magiging susunod na hakbang.

Sa panig naman ni Manila Rep. Joel Chua, sinabi nitong nalulungkot sila sa naging hakbang ng Senado na maliwanag na paglabag sa saligang batas.

Giit ng Kongresista, wala sa mandato ng mga senador ang mag-file at mag-decision sa ganitong klaseng mga motion.