-- Advertisements --

Umaasa si House Committee on Constitutional Amendments chairman Alfredo Garbin Jr. na matapos ang debate sa plenaryo patungkol sa House Resolution of Both Houses No. 2 bago ang kanilang Holy Week Break simula Marso 25, 2021.

Sa kasalukuyan kasi nasa 12 kongresista lamang ang nagpalista para sa debate, kung saan karamihan sa mga ito ay pawang nakapagdebate na rin noong nasa committee level pa lamang ang resolusyon na nagsusulong ng economic Charter change.

Gayunman, iginiit ni Garbin na hindi nila mamadaliin ang proseso para rito salig na rin sa naging utos mismo ng may-akda ng RBH 2 na si Speaker Lord Allan Velasco.

Mahigpit aniya ang bilin ni Velasco na bigyan ng pagkakataon ang mga kongresistang nais na makibahagi sa debate.