-- Advertisements --
House Majority Leader Martin Romualdez with President Rodrigo Duterte

Pinuri at lubos na pinasalamatan ni House Majority Leader at Leyte 1st district Rep. Martin G. Romualdez si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa maituturing na “outstanding and excellent” service na ibinahagi nito sa bansa.

Bukas June 30,2022 exacto alas-12:00 ng tanghali bukas magtatapos na ang termino ni Duterte.

Personal na tatanggapin ni Pang. Duterte sa Palasyo ng Malacañang ang kaniyang successor si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matapos na tanggapin ng Pangulo si incoming President ay balik na ito sa pagiging private citizen at uuwi na ito sa kaniyang lugar ang Davao City.

Ayon kay Romualdez, si Duterte ay mahal ng sambyanang Pilipino na nag-iwan ng blueprint o legasiya sa bansa kung saan nagawa nitong gawing safe, secure and connected ang bansa.

Giit pa ni Romualdez si Duterte ay maituturing na most accomplished leaders na nagkaroon ang Pilipinas.

Isa sa mga legasiya na hindi makakalimutan sa Duterte administration ay ang “Build, Build, Build” program kung saan mas maraming mga infrastructure development ang naisakatuparan sa bansa at ang walang tigil na kampanya laban sa iligal na droga at criminality.

Tiniyak din ni Romualdez na sa panig ng House of Representatives, sila ayb magiging unwavering partners sa mga bagong officials sa executive branch.