-- Advertisements --
Tinambakan ng Magnolia Hot Shots ang North Port 129-109 sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.
Dahil sa panalo ay pasok na sa playoffs ang HotShots.
Mayroon kasi silang limang panalo at apat na talo habang ang Batang Pier ay mayroong dalawang panalo at pitong talo.
Nanguna sa panalo ng Magnolia si Antonio Hester na mayroong 28 points at 14 rebounds.
Habang mayroong 21 points si Mark Barroca, 19 points kay Rome Dela Rosa at 18 points ang naitala ni Calvin Abueva.