-- Advertisements --

Nakuha ng Magnolia HotShots ang kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos talunin ang Rain or Shine 112-97 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup sa PhilSports Arena.

Kapwa nagtala ng tig-19 points sina Jio Jalalon at Mark Barroca habang mayroong 17 points, 15 rebounds at limang assists si Antonio Hester.

Sinabi ni Magnolia chief statistician Chito Victolero na itinanim niya sa isip ng kaniyang manlalaro ang kahalagahan ng panalo.

Natuto na aniya sila sa mga iba’t-ibang kamalian nila sa mga nagdaang laban nila.

Nasayang naman ang 15 points na ginawa ni Greg Smith para sa Rain or Shine.