-- Advertisements --

OCTAMabilis na tumataas sa ngayon ang occupancy rate sa mga COVID-19 hospital beds kaysa occupancy rate naman ng mga intensive care units (ICUs) sa mga ospital sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, sa loob ng pitong araw, ang hospital bed occupancy sa National Capital Region ay tumaas sa 29 percent noong Enero 2 mula sa 17 percent lamang noon namang Disyembre 26.

Gayunman, sa ngayon ay “very low level” pa naman aniya ang hospital bed occupancy at ICU occupancy.

Sinabi rin ni David na ang Hospital Care Utilization Rate sa NCR ay nananatiling nasa “very low level” o mababa pa sa 30 percent.

Sa ngayon, ang Metro Manila ang siyang nangunguna sa mga rehiyon na may pinakamaraming bilang ng naitalalang bagong COVID-19 cases, na sinundan ng Calabarzon, at Central Luzon.

Ayon sa Department of Health, posibleng sa katapusan ng Enero mararanasan ang peak ng panibagong pagtaas ng COVID-19 cases.

Posible pa nga aniya na mas marami pa ang bilang na ito kumpara sa bilang na naitala noong mangyari ang peak ng Delta cases.