-- Advertisements --

Hindi nagpatinag si senadora Risa Hontiveros sa pag-subpoena kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy para mapilitan na itong humarap sa susunod na pagdinig.

Nakatakda sa Marso 5 ang ikatlong pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Hontiveros.

Iginiit ng senadora ang kapangyarihan ng kanyang komite na pwersahin na dumalo sa kanilang pagdinig ang isang testigo kahit pa marami itong koneksyon.

Tulad ng ibang testigo aniya ay iginagalang nila ang constitutional rights ni Quiboloy pero hindi aniya siya mas mataas pa sa batas.

Ayon kay Hontiveros, isa lamang ang hinihingi nya sa religious leader ang dumalo ito sa ikinakasang imbestigasyon ng Senado para marinig ang kanyang sagot sa mga alegasyon laban sa kanya.