
Target ng Commission on Elections (Comelec) na taasan ang honorarium ng mga election workers ng hanggang P10,000.
Ayon kay Comelec chairman George Garcia na posibleng simulan ang umento sa pasahod sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30.
Gagawa aniya ng paraan ang comelec na maitaas sa P10,000 mula sa P6,000 ang pasahod sa poll chairman, P9,000 mula a P5000 para sa mga miyembro at P8,000 mula sa P4,000 para sa mga nagtatrabaho sa mga presinto.
Paliwanag ni Garcia na ang isa sa mga dahilan ng posibleng pagtaas sa sahod ng poll workers ay dahil kakaunti lamang ang matitira sa sahod ng mga ito dahil sa makakaltas para sa buwis.
Samantala, planong isagawa ang mock automated election ng Comelec sa Hunyo para sa 2023 BSKE.










