-- Advertisements --
Pumanaw na ang singer- grammy winner at best known for the chart-topping 1995 song na “Gangsta’s Paradise si Leon Ivey Jr. o mas kilala na Coolio.
Ang rapper na nakamit ang napakalaking tagumpay noong dekada nobenta at nagiwan ng marka sa mundo ng mainstream.
Ayon sa kanyang manager hindi na raw lumabas ng banyo si Coolio at natagpuan na lang na nakahandusay sa sahig.
Pinaghihinalaan naman ng mga paramedic na cardiac arrest ang dahilan ng pagkamatay ng singer.
Pakikiramay naman ang pinaabot ng iba’t ibang taga-hanga at kapwa nasa industriya ng artist. (report from Bombo Chill Empirdo)