-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Hollywood couple Jason Momoa at Lisa Bonet na hiwalay na sila.

Sa kanilang Instagram account, naglabas ang dalawa ng kanilang pahayag ukol sa kanilang desisyon na diborsyo.

Hindi naman malinaw ang pinaka dahilan ng kanilang hiwalayan.

Nagkakilala ang dalawa sa jazz club noong 2005 kung saan nakilala si Momoa na gumanap bilang sil Khal Drogo sa “Game of Thrones”.

Sumikat si Bonet sa pagganap nito bilang si Denise Huxtable sa 1980 series na “The Cosby Show”.

Isinilang ang unang anak nila na si Lola noong 2007 at sumunod na isinilang si Nakoa-Wolf matapos ang isang taon.

May nauna ng anak si Bonet mula sa actor na si Lenny Kravitz na actress na rin nas i Zoe Kravitz.

Taong 2017 ng ikasal ang dalawa.