Nasa 10,000 mga pulis ang nakatakdang e-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila bilang obserbasyon sa Undas o All Saints Day sa Nobyembre 1.
Iniulat ni National Capital Region Police Office spokesperson Police Lieutenant Colonel Dexter Versola, nasa 80 cemeteries at 24 columbariums ang babantayan ng mga pulis.
Maliban sa mga police, nakatakda rin na e-deploy ang mga force multipliers kabilang na ang mga personnel mula sa local government units, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Health (DOH) at marami pang iba.
Ang pulisya, ayon kay Versola, ay magbibigay ng maximum police visibility bilang bahagi ng crime prevention strategy nito para masiguro ang obserbasyon ng Undas.
Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na dadagdagan ang deployment ng mga tauhan nito bago ang Undas na may augmentation mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na ang karagdagang deployment ay sa mga lugar kung saan nagtitipon ang malalaking tao sa mga buwan ng “ber”, karamihan sa kanila sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon, gayundin sa Cebu, Davao, at Baguio .