-- Advertisements --
Ginawaran ng Malacañang ang Filipino-American actress Vanessa Anne Hudgens bilang Philippine Global Tourism Ambassador.
Pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbibigay ng parangal sa actress.
Ang hakbang ay ang patuloy na pagsulong ng Marcos administration para sa promosyon ng turismo sa bansa at para maka-angat ang global status ng bansa.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, na nagtungo sa Malacañang ang actress kasama si Department of Tourism Secretary Christina Frasco.
Nasa bansa ang actress para sa gagawin nitong documentary project.
Bumida ang actress sa pelikulang “High School Musical” noong 2006.