Pumanaw na ang Hollywood actress na si Angela Lansbury sa edad 96.
Ayon sa kaanak nito na sa kanilang bahay sa Los Angeles na nalagutan ng hininga ang beteranang actress.
Nakatakda sana itong magdiwang ng kaniyang ika-97 kaarawan sa susunod na limang araw subalit hindi na ito umabot.
Taong 1944 sa edad nitong 20 ay nakakuha siya ng Oscar nomination para sa kaniyang pelikulang “Gaslight”
Matapos ang isang taon ay nakakuha ito ng pangalawang nominasyon sa pelikulang “The Portrait of Dorian Gray”.
Nakatanggap siya ng award sa Golden Globes sa nabanggit na pelikula.
Sa loob ng 40-taon na career ay nakatanggap siya ng limang Tony Awards at kinilala siyang honorary sa Oscars noong 2013.
Mayroon siyang 11 Emmy nomination sa “Murder, She Wrote” subalit hindi ito nagwagi.
Isinilang sa London kung saan ang ina nito na si Moyna Mac Gill ay actress habang ang ama nito na si Edward Lansbury ay pulitiko.
Pumanaw ang ama nito noong edad 9-anyos pa lamang ang actress at lumipat sila sa US noong 1940 bago maganap ang World War II sa taong 1942.