-- Advertisements --
Ibinahagi ng Hollywood actor na si Tyler Mane na ito ay mayroong ‘super rare’ na uri ng breast cancer.
Sa social media account nito ay ibinahagi nito ang nasabing diagnosed na kadalasang nakikita sa isang babae.
Una ng naiplano nito na manahimik subalit nagpasya siya na ilantad na lamang ito sa publiko.
Ang 59-anyos na dating pro-wrestler ay kasama sa ilang mga pelikula gaya ng “X-Men”, “Sabertooth”, “Deadpool & Wolverine ” noong 2024.
Nagsimula na itong sumailalim sa chemotherapy kung saan isa sa 750 na kalalakihan ang na-diagnosed ng breast cancer sa kanilang buhay buhay.












