-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta si Hollywood actor Robert De Niro sa anak nitong si Airyn matapos na maglantad na siya ay transgender.

Ayon sa beteranong actor na kung gaano niya kamahal noon ang anak bilang si Aaron ay ganun rin ang pagmamahal niya noong ito ay naging si Airyn na.

Noong nakaraang taon aniya ng magpalit ng kasarian ang 29-anyos na anak ng actor.

Si Airyn ay anak ni De Niro sa US actress at model na si Toukie Smith.