-- Advertisements --
Bumisita sa Ukraine ang Hollywood actor na si Orlando Bloom.
Bukod kasi sa pagiging actor ay siya ang goodwill ambassador ng United Nations children’s organization na UNICEF.
Nagtungo ang “Lord of the Ring’s” actor sa isang children’s center sa Kyiv.
Huling bumisita sa Ukraine ang actor ay noong 2006 at nakipagkita rin ito kay Ukraine President Volodymyr Zelensky.
Labis ito ng nalungkot sa matinding pinsala na dulot ng nasabing giyera at naibsan lamang ang kalungkutan ng makita ang pagngiti ng mga bata na kaniyang nabisita sa Spilno Center.
Mula kasi noong sumiklab ang giyera ay aabot na sa 465 na bata na ang nasawi.