-- Advertisements --
Patuloy na nagpapagaling sa pagamutan ang Hollywood actor na si Jamie Foxx.
Ayon sa kaanak nito na dumanas ng medical complication ang actor.
Sinabi ng kaniyang anak na si Corinne na Foxx na hindi pa nila malaman kung anong uring sakit ang dumapo sa actor.
Pinasalamatan nito ang mga nagpaabot ng kanilang pagdarasal para sa agarang paggaling ng actor.
Humingi na lamang ito sa mga fans na igalang na lamang ang kanilang privacy.










