-- Advertisements --
Personal na inayos ng Hollywood actor at dating California governor Arnold Schwarzenegger ang mga butas sa mga kalsada.
Sa kaniyang social media ay account ay nagpost ito ng video kasama ang kaniyang grupo na sinisemento ang nasabing mga butas.
Matagal na umanong inirereklamo ng kaniyang kapitbahay sa Los Angeles ang nasabing butas na nakakapinsala sa mga sasakyan at nagbibisikleta na dumadaan.
Paglilinaw naman ni Elena Stern ang public information director ng Department of Public Works sa Los Angeles na hindi ito mga potholes at sa halip ay may proyektong pagbubutas ang ginagawa ng SoCal Gas na inaasahang matatapos sa buwan ng Mayo.