-- Advertisements --

Nangako si Hong Kong chief executive Carrie Lam na uunahin niyang magbigay ng pabahay at negosyo sa kaniyang nasasakupan upang kahit papaano ay pahupain ang galit na nararamdaman ng mga ito.

Ito ay matapos aminin ni Lam na ang kaniyang mga naging desisyon ang nagdulot ng kaguluhan sa lungsod.

Aniya, pagtutuunan daw nito ng pansin ang pagtaas ng bilang ng mga pabahay na ibahahagi ng kaniyang gobyerno sa mamamayan.

Bukod sa tuluyang pagbasura sa extradition bill, isa rin sa ikinagagalit ng mga raliyista ay ang mataas na cost of living maging ang kakulangan ng trabaho.

Isa ang Hong Kong sa may pinaka-mamahaling real estate sa buong mundo kung kaya’t para sa karamihan ay unfair o hindi patas ang housing policy ng naturang rehiyon.