-- Advertisements --

Iminumungkahi ng isang grupo ng mga nurses na mabigyan ng hiwalay na isolation wards ang mga health workers para sa tretment ng mga medical frontliners.

Sinabi ni Philippine Nurses Association (PNA) National President Melbert Reyes na bukod pa sa COVID-19 wards sa mga pasyente ang hinihiling nilang isolation wards para sa mga health workers.

Nakatanggap kasi aniya sila ng balita na mayroong isang doktor na namatay dahil hindi ito tinanggap ng pinuntahan niyang ospital.

Umaapela rin si Reyes sa Department of Health na gawin nang regular ang mga contract-of-service health workers.

Kaya aniyang umaalis sa kanilang trabaho ang mga nurses ngayon at iba pang mga health workers dahil sa mababang sahod at hindi magandang working conditions.