-- Advertisements --
received 329583371797547

Ipinasa ng Supreme Court (SC) sa mga trial court ang pagpapasya sa hirit ng ilang inmates na nakatatanda, maysakit at buntis na makalaya ngayong mayroong Coronavirus disease 2019 (COBID-19) pandemic.

Kung maalala ang petisyon ay inihain ng mahigit 20 inmates noong Abril at hiniling ng mga ito na mabigyan ng humanitarian consideration ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Binigyang diin ng Korte Suprema na dahil ang kaso ay mayroong factual questions, abg trial court ang akmang magdesisyon sa kahilingan ng mga petitioners.

Kinumpirma ng SC Public Information Office (PIO) na napagpasyahan ng en banc ang naturang isyu noong pang July.

Ikinokonsidera umano ng hukuman bilang application for bail ang naturang petisyon.

Pero dahil ang mga petitioner ay nahaharap sa kasong may katapat na parusang reclusion perpetua o pagkabilanggo hanggang 40 taon ay kailangang dumaan ang kanilang kahilingan sa pagdinig ng trial court.

Tutukuyin umano ng trial court kung malakas anf evidence of guilt laban sa mga akusado base sa mga ipiprisintang ebidensiya.

Kung mahina ang ebidensiya ay maaring payagang makapagpiyansa ang mga petitioners.

received 362371948486715