Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang hirit ng MORE Electric and Power Corporation na ma-take over ang assets ng power distributor na Panay Electric Company (PECO).
Base sa inilabas na resolusyon ng Korte Suprema, bigo ang MORE Power sa inihihirt nitong temporary restraining order (TRO) at writ of preliminary injunction na pipigil sa kautusan ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) na nagdedeklarang labag sa batas ang ginawang expropriation at take over kumpanya sa electric distribution assets ng PECO.
Alinsunod sa RA 11212, binigyan ng prangkisa ang MORE upang makapag-distribute ng kuryente sa Iloilo City.
Sa ilalim ng Section 20 at 17 ng nasabing batas binigyan din ng karapatan ang MORE na magamit ang kapangyarihan sa eminent domain sa lahat ng distribution assets and properties ng PECO sa franchise area.
Gayunman, idineklara ng Mandaluyong RTC ang Section 10 and 17 na walang bisa at labag sa batas lalo na at paglabag ito sa karapatan ng PECO sa due process and equal protection of the law.
Nilinaw din sa desisyon na hindi obligasyon ng PECO na ibenta ang kanyang assets at wala ring karapatan ang MORE na i-expropriate ang assets ng PECO.
Bunga ng desisyon ng Korte Suprema, hindi na maaaring ituloy ng MORE ang expropriation sa asset ng PECO.